Mahigit 70,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa magdamag – Coast Guard

DOTr Photo

Umabot sa 70,504 na mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa sa nakalipas na magdamag.

Sa monitoring ng Coast Guard mula alas 6:00 ng gabi kagabi, Apr. 17 hanggang alas 12:00 ng madaling araw ng Apr. 18, naitala ang kabuuang bilang ng mga pasahero.

Kabilang sa nakapagtala ng mga pasahero ang mga pantalan sa sumusunod na lugar:

National Capital Region-Central Luzon – 1,673
Central Visayas – 21,791
South Western Mindanao – 1,789
Palawan – 181
Southern Tagalog – 14,421
Western Visayas – 5,753
South Eastern Mindanao – 6,842
Bicol – 1,321
Northern Mindanao – 8,350
Eastern Visayas – 2,699
Southern Visayas – 5,684

Patuloy ang gagawing pagmonitor ng PCG sa mga outbound passenger sa lahat ng pantalan sa bansa ngayong Semana Santa.

Read more...