Ilang lansangan sasailalim sa limang araw na road repair

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 08:49 AM SHARE(S):

Sasamantalahin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Holy Week para ituloy ang road reblocking at repair sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Sa abiso ng DPWH, ang road repair at reblocking sa ilang bahagi ng EDSA, C5, at Katipunan na inumpisahan kahapon (Apr. 17) ay sa Lunes, April 22 na alas 5:00 ng umaga matatapos.

Kabilang sa apektado ang sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND
Katipunan Avenue
– Paglagpas ng FB Dela Rosa Street, truck lane

EDSA
– New York Street hanggang Aurora Blvd., 1st lane mula sa sidewalk

NORTHBOUND
EDSA
– KM 27+019 hanggang KM 26+921, outer lane

C5
– harapan ng SM Aura, middle lane

Tiniyak naman ng DPWH na sa Lunes ng umaga ay bubuksan na sa mga motorista ang mga apektadong lansangan.

TAGS: C5, DPWH, edsa, Katipunan, road reblocking, road repair, C5, DPWH, edsa, Katipunan, road reblocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.