Dating presidente ng Peru patay matapos magbaril sa sarili

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 08:12 AM SHARE(S):

Nagbaril sa sarili ang dating presidente ng Peru na si Alan Garcia bago pa man siya madakip ng mga pulis sa kasong may kaugnayan sa korapsyon.

Naisugod pa sa ospital at inoperahann ang 69 anyos na si Garcia dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo pero sumakabilang buhay din.

Kinumpirma ni Peru president Martin Vicarra ang pagpanaw ni Garcia kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay.

Si Garcia ay nanilbihang presidente sa Peru mula 1985 hanggang 19900 at mula 2006 hanggang 2011.

Inimbestigahan siya dahil sa kasong money laundering.

Nang dumating ang mga pulis para isilbi ang arrest warrant laban sa kaniya sa kanilang tahanan ay nagtungo si Garcia sa kaniyang kwarto at nagbaril sa sarili.

TAGS: Allan garcia, former president, Peru, Allan garcia, former president, Peru

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.