14 na illegal vendors arestado sa Makati

Aabot sa 14 na illegal vendors ang naaresto sa regular na operasyon na isinasagawa ng Makati City police.

Sa isinagawang Oplan Galugad sa EDSA-Makati, aabot sa 14 na illegal na nagtitinda ang dinakip sa southbound.

Ang mga dinakip na vendor ay isinailalim ni Alvina L. Reyes, team leader ng barangay environmental police sa lecture para sa mga illegal vendors at tinuruan hinggil sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ng Makati ang mga nagtitinda na iwasang pumwesto sa mga ipinagbabawal na lugar.

Read more...