P2M halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng customs sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2019 - 07:07 AM SHARE(S):

Aabot sa P2 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Bureau of Customs-NAIA sa limang magkakahiwalay na packages sa NAIA Customhouse sa Pasay City.

Ang mga package na nakumpiska sa ay naglalaman ng shabu, ecstasy, marijuana at cocaine.

Kabilang sa mga nasabat ay ang mga sumusunod na dami ng ilegal na droga:

•Outbound .027 kg Shabu na nakalagay sa isang envelope mula Marilao, Bulacan, at patungo sana sa Bahrain.

•.54 kg ng Ecstasy na nagkakahalaga ng P1.7 million mula Netherlands at itinago sa loob ng printer at patungong San Juan, Metro Manila.

•Two shipments ng marijuana na idineklarang pancake mix at lotion galling United States at patungo sana sa Antique at Cagayan de Oro.

•.0135 kgs ng cocaine na idineklarang laruan mula United States at naka-consigne sa isang residente sa Makati City.

Tang nasabing mga ilegal na droga ay natukoy ng mga customs examiner, x-ray at PDEA K-9 sweeping.

Simula 2018, umabot na sa 39 na insidente ng pagkakasabat ng ilegal na droga ang naitala ng BOC-NAIA kung saan nasa P370 million ang halaga.

TAGS: customs, Illegal Drugs, NAIA, parcels, customs, Illegal Drugs, NAIA, parcels

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.