Operasyon ng PNR, suspendido sa Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria
Naglabas na ang Department of Transportation (DOTr) ng iskedyul ng Philippine National Railways (PNR) ngayong Holy Week.
Sa kanilang abiso, kanselado ang biyahe ng tren patungong Calamba, Laguna at ang last trip patungong Alabang sa Miyerkules Santo, April 17.
Wala ring operasyon ang PNR sa Huwebes Santo, April 18, Biyernes Santo, April 19, at Sabado de Gloria, April 20.
Magbabalik naman sa normal na operasyon ang PNR sa hapon ng Linggo ng Pagkabuhay, April 21.
Magsisimula ang unang biyahe na Tutuban-Alabang dakong 1:37 ng hapon habang ang biyaheng Tutuban-Governor Pascual ay 1:02 ng hapon.
Para naman sa mga commuter sa Bicol, wala ring commercial train operation mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria.
Magbabalik ang kanilang operasyon sa Linggo ng Palaspas bandang 3:30 ng hapon.
Maliban sa paggunita ng Semana Santa, sinuspinde ang operation ng kanilang mga tren para sa nakatakdang track and rolling stocks maintenance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.