DOLE naghahanda sa forced evacuation ng mga Pinoy sa Libya

Inquirer file photo

Nakatakdang ipadala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang augmentation team sa Libya.

Ito ay para tulungan ang posibleng forced repatriation sa mga overseas Filipino worker (OFW) dahil sa tumitinding tensyon sa lugar.

Sa isang panayam, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bagamat voluntary repatriation pa sa ngayon, pinaghahandaan na ng ahensya ang posibleng pagtataas sa Alert Level 4 sa lugar.

Sakaling itaas man aniya sa Alert Level 4, mas mabuting mayroon ng mga opisyal na tutulong sa mga Pinoy sa Libya.

Matatandaang itinaas ang Alert Level III sa Tripoli at ilang distrito sa Libya simula noong April 8.

Read more...