Tatlo sugatan sa pananaksak sa London Underground station
Iniimbestigahan ng mga pulis sa Britain na nakatalaga sa counter-terrorism ang naganap na pananaksak sa London Underground station na hinihinalang isang insidente ng terorismo.
Tatlong katao kasi ang pinagsasaksak ng 29-anyos na suspek gabi ng Sabado sa Leytonstone subway station sa east London at sinabing “This is for Syria.”
Isa sa mga sinaksak ay lubhang nasugatan habang ang dalawang iba pa ay nagtamo ng minor injuries.
Dahil sa mga sinabi ng suspek, itinuring agad ng mga otoridad bilang insidente ng terorismo ang naganap na pananaksak.
Naaresto na ng mga pulis ang suspek na kasalukuyan na ring nasa ilalim ng kanilang kustodiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.