Ilang kalsada sa Quiapo sarado sa trapiko sa Biyernes Santo

By Angellic Jordan April 17, 2019 - 05:37 PM

Inquirer file photo

Naglabas na ang Manila Police District (MPD) ng ipatutupad na rerouting scheme sa bisinidad ng Minor Basilica of the Black Nazarene.

Ito ay para bigyang-daan ang gagawing prusisyon sa Biyernes Santo sa Quiapo Church.

Sa inilabas na abiso, isasara sa lahat ng uri ng motorista ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo) mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda at España/P.Campa/Lerma.

Magkakaroon naman ng rerouting sa mga sumusunod na kalsada:

– Sa mga patungong Quezon Boulevard, kumanan sa Fugoso St. ang lahat ng sasakyan mula A. Mendoza at kumaliwa sa Rizal Avenue.

– Sa mga motoristang magmumula sa España patungong Quezon Boulevard, kumaliwa sa Nicanor Reyes St. tapos kumanan o kumaliwa sa C.M Recto Avenue.

TAGS: Holy Week, manila, Minor Basilica, quiapo, Holy Week, manila, Minor Basilica, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.