Sinabi ng Ookla na ang average download speed sa bansa ay tumaas ng 143.7 percent.
Mula sa dating 7.91 Mbps noong July, 2016 ngayon ay nasa average na 19.28 Mbps na ang internet speed sa bansa ayon sa nasabing ulat.
Pati ang average download mobile broadband speed ay nagkaroon ng improvement ng 94.35% kung saan mula sa dating 7.44Mbps noong July 2016 ngayon ay naitala na ito sa 14.46Mbps ayon sa February 2019 index report.
Ang Philippines’ internet speed ay nasa twenty-ninth (29th) place para sa fixed broadband samanatlang pang tatlumpu’t tatlo naman sa mobile mula sa limampung mga bansa at teritoryo sa Asia.
Sa buong bilang na 46 Asia Pacific countries, ang average download speed ng Pilipinas ay pang dalawampu’t isa para sa fixed broadband at pang dalawampu’t dalawa naman sa mobile.
Sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang average download speed para sa fixed broadband sa Pilipinas ay naitalang mas mabilis kumpara Brunei, Indonesia, Cambodia at Myanmar’s.
Samantalang ang mobile internet speed naman ay mas mabilis kumpara sa Cambodia at Indonesia.
Inaasahan naman na magkakaroon pa ng higit na developmet sa internet speed sa bansa sa pagpasok sa industriya ng Mislatel telecom.
Hinihintay na lamang ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kumpirmasyon ng bersyon ng Senado para sa approval ng sale at transfer ng controlling interest ng Mislatel sa Udenna, Chelsea at Chinatel.