Mayweather may importanteng anunsyo para sa boxing fans

By Den Macaranas April 17, 2019 - 03:41 PM

Inquirer file photo

Mayroong importanteng anunsyo bukas si boxing legend Floyd Mayweather Jr.

Isa video ang inilagay ni Mayweather sa kanyang Instagram page na may titulong “Get ready”.

Makikita sa nasabing video na naglalakad ang boxing champion kasama ang kanyang mga alalay bago naupo sa isang press conference table.

“Thank you to the media and my business partners. I have an announcement to make,” ayon pa kay Mayweather.

Maugong naman ang mga balita na posibleng ang tinutukoy sa nasabing media teaser ay ang part two ng bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Noong isang buwan lang ay dumalaw sa Pilipinas ang American boxer kung saan ay nagkaroon siya ng pagkakataong makausap ang pambansang kamao.

TAGS: boxing fan, mayweather, Pacquiao, rematch, boxing fan, mayweather, Pacquiao, rematch

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.