Pangulong Duterte, hindi pinalampas na batikusin ang mga katoliko ngayong Semana santa
Hindi pinaligtas sa batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng mga katoliko ngayong Semana santa.
Sa talumpati ng pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, sinabi nito na kaya hindi siya nangungumpisal sa mga pari dahil sa dami ng kanyang mga kasalanan.
“Kayong mga pari wala man kayong gawin. Eh mag-ano kayo forgiveness, forgiveness. Madala ba ‘yan ng forgiveness? Kaya ako hindi nagsisimba. Kasi ‘pag magsimba ako, “Forgive me, father, for I have killed last night three.” Balik na naman ako kinabukasan, “Father, forgive me because I have killed 10 drug — drug lords.” Eh pabalik-balik ako, bakit pa ako magpunta doon? Useless eh.” ani Duterte.
Kinwestyun rin ng pangulo ang paglikha ng Panginoon ng langit at impyreno.
“Anong heaven and hell? Saan man ilagay? Bakit ako na ang Diyos — Diyos na ako — bakit ako maggawa ng masamang tao at ilagay ko diyan sa impiyerno? Kagaya ni Duterte. Siya ‘yung…Oh ngayon papiliin mo ako. Saan gusto kong pumunta? Sa impiyerno. Bakit? Tingnan mo kung sino ‘yang nasa langit. ‘Yung mga — ‘yung madre na may kasalanan wala na ‘yon kasi ginamit ng pari. ‘Yung mga mababait na tao, ‘yung ano.
Saan ang pinakamagandang babae dito sa Cagayan? Sa langit? Saan ‘yung magaganda diyan sa mga bar, sa karaoke, ‘yung magagandang katawan, magandang mukha, nasaan kaya sila? Nasa impiyerno. [laughter]
Anong gawain mo sa langit? Akbayan mo sila? Amoy-amoyin mo? P**** i**** San Pedro na ‘yan. [laughter and applause] Sige ‘yan magtingin, kaya nakaganun. Ang u*** may bisyo rin. Nagdala pa ng manok wala naman sabong. [laughter]
Totoo. Kita dito may manok. ‘Di ba? Noon pagpasok mo sa langit. Sabungero talaga ang buang. [laughter] Sugarol.
‘Yan ang ibig kong sabihin. Lahat sa tamang panahon, sa tamang lugar. ‘Di ka basta-basta bira diyan bira. Be on the right place, on the right time, with the right issue. But you cannot be saying na dahil pari ka. Eh ano? T*** i** ka. Galit pa sabi ko sa kanila nakawan mo ‘yang mga pari ng pera.” sabi ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.