Paghahain ng diplomatic protest, pinakamabisang paraan para maresolba ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea
Naniniwala ang palasyo ng Malakanyang na ang paghahain ng diplomatic protest at negosasyon ang pinakamabisang paraan para maresolba ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea.
Pahayag ito ng palasyo sa gitna ng agresibong hakbang ng China sa South China Sea kabilang na ang paoching o pangunguha ng Chinese vessels ng giant clams o taklobo sa Scarborough shoal.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kahit na nagpasaklolo na ang Integrated Bar of the Philippines sa Supreme court para mag-isyu ng writ of kalikasan, ang negosasyon pa rin ang pinakamabisang paraan sa naturang problema.
Dapat aniyang maging maingat ang mga petitioner at ikunsidera ang ibang bagay.
Sa ngayon, ipinatutupad na aniya ng gobyerno ang writ of kalikasan sa pamamagitan ng paglalagay ng coast guards sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.