Trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, sinuspendi ni Pangulong Duterte simula mamayang alas 12:00 ng tanghali

By Chona Yu April 17, 2019 - 11:05 AM

Sinuspendi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno simula alas dose ng tanghali ngayong araw.

Base sa Memorandum circular number 60 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, half day na lamang ang pasok ngayon sa gobyerno.

Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makapaghanda sa paggunita ng Semana santa lalo na ang mga bibiyahe sa iba’t-ibang probinsya.

Gayunman, para sa mga tanggapan na nakatutok sa pagbibigay ng basic services, preparedness at pagresponde sa mga kalamidad ay dapat na siguraduhin na tuloy ang kanilang operasyon at hindi maantala ang serbisyo.

Ipinauubaya naman ng palasyo sa mga pribadong kompanya ang pagpapasya kung magsususpendi ng trabaho.

 

TAGS: duterte, half day, pasok sa gobyerno, suspende, duterte, half day, pasok sa gobyerno, suspende

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.