4 arestado habang nasa shabu session sa Batangas City
Arestado ang apat na katao habang nasa shabu session sa loob ng compound ng isang trucking service sa Barangay Lanatan, Balayan sa Batangas.
Kinilala ang mga nadakip na sina Richard Buenafe, 36-anyos, driver ng nasabing trucking company at residente ng Brgy. Dacanlao, Calaca, Batangas ; Jun Sam Cabradilla, 24-anyos, isang gym instructor at residente ng San Piro. Balayan, Batangas ; Mark Dantes, 26-anyos na helper at residente ng Brgy.Marawoy, Lipa City, Batangas; at si Sonny Bon, 29-anyos na driver at residente ng Brgy Lanatan, Balayan, Batangas.
Nahuli ang apat sa akto ng pag-gamit ng iligal na droga makaraang magsumbong ang may-ari ng Global Trucking Service sa nagaganap na shabu session sa loob mismo ng compound ng kompanya.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ng pulisya dakong alas-12:40am na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat.
Nakuha sa mga ito ang 4 na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang bukas na plastic sachet ng shabu, isang aluminum foil strip, isang improvised burner, aluminum tooter at isang disposable lighter.
Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.