Pangulong Duterte, sinabihang bakla si Senatorial Candidate Florin Hilbay

Bakla ka.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senatorial Candidate Florin Hilbay.

Sa talumpati ng pangulo sa Tuguegarao City , sinabi nito na nagkamali ang Panginoon sa paglikha kay Hilbay.

Ayon sa pangulo, umaaktong lalaki si Hilbay at nagkukunwaring kasintahan si Agot.

Payo ng pangulo kay Hilbay, magpakatotoo sa sarili.

Una rito, sinabi ni Hilbay na hindi siya bakla.

Bukod kay Hilbay, inaakusahan din ng pangulo na bakla si Senador Antonio Trillanes IV.

Read more...