Sa talumpati ng pangulong sa Tuguegarao city, sinabi nito na hindi kasi nag aatubili si Angara na batikusin ang kanyang administrasyon kung may nakikitang mali sa pamamalakad sa gobyerno.
Ayon sa pangulo, mas gusto niya ang prangkang tao katulad ni Angara.
Una rito, nabahala si Angara sa banta ni Pangulong Duterte sa mga pari dahil sa pagbatikos sa madugong Anti-drug war campaign.
Ayon kay Angara, dapat na protektahan ng mga pulis ang mga pari para masiguro ang kanilang kaligtasan.
MOST READ
LATEST STORIES