Pasahero, tinangkang buksan ang pintuan ng eroplano sa Serbia

By Jay Dones December 07, 2015 - 04:25 AM

 

Mula sa Google/airlineinformation.net

Inaresto ang isang pasahero ng eroplano na lumilipad mula Frankfurt, Germany patungong Belgrade, Serbia matapos nitong tangkaing buksan ang isang pintuan ng eroplano sa gitna ng byahe.

Ayon sa ilang saksi, tinangkang buksan ng hindi pinangalanang pasahero ang pintuan ng cockpit at nagbantang pababagsakin ang eroplano kung hindi bubuksan ng mga piloto ang naturang pintuan.

Lumilipad ang biyahe ng Lufthansa air sa airspace na sakop ng Austria nang biglang tumayo ang lalake at tinangkang puwersahang buksan ang isa sa mga passenger exit ng eroplano.

Agad namang napigil ng mga crew at mga pasahero ang suspek kaya’t nabigo itong buksan ang pintuan ng eroplano at ligtas itong nakalapag sa Belgrade.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na isang Jordanian ang lalake na may bitbit na US passport.

Kasalukuyang nasa 48-hour pre-trial detention ang lalake at pinag-aaralan ang kasong posibleng isampa dito.

Inaalam na rin ang posibleng motibo nito sa kanyang pagtatangkang buksan ang pintuan ng eroplano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.