Pekeng mga granada nasabat sa Pasay

Credit: Pasay Police

Nakumpiska ng pulisya ang mga pekeng hand grenades sa maintenance base ng isang courier company sa Pasay City Martes ng gabi.

Sa report ng Pasay Police, nasabat ang 3 pekeng mga granada sa DHL R5 maintenance base sa Andrews Avenue alas 10:45 ng gabi.

Matapos matanggap ang impormasyon mula kay Police Staff Sergeant Elcamel ng Villamor Police Community Precinct ay pumunta sa lugar ang mga tauhan ng bomb squad sa ilalim ni Police Captain Neil Deveraturda.

Nagsagawa ng inisyal na imbestigasyon ang mga pulis at remote opening na nagresulta sa pagkadiskubre na peke ang mga granada.

Sa ngayon ay hinihintay ng pulisya ang tugon ng DHL ukol sa nakumpiskang mga granada.

Read more...