Dayuhan timbog matapos mahulihan ng shabu sa NAIA

By Rhommel Balasbas April 17, 2019 - 04:31 AM

Arestado ang isang 45 anyos na Palauan matapos makuhaan ng hinihinalang shabu sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport Martes ng gabi.

Ayon kay security screening officer Kristoffer Mijares, tumunog ang metal detector bunsod ng sinturong suot ng dayuhan.

Kinapkapan niya ang suspek at dito na nakita ang bote na naglalaman ng mga sachet ng hinihinalang shabu na isinilid sa isang diaper.

Sampung malalaking sachet ng shabu ang nakuha mula sa suspek na may bigat na 60 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P400,000.

Napag-alamang nagbakasyon lamang ang dayuhan sa bansa at nakatakda na sanang umuwi ng Palau.

Ayon sa suspek, isang kaibigang Filipina ang nag-abot sa kanya ng bote na nakasilid sa isang diaper.

Mahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa section 4 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o importation of illegal drugs.

TAGS: 60 gramo, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dayuhan, diaper, importation of illegal drugs, NAIA, Palauan, shabu, Terminal 3, 60 gramo, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dayuhan, diaper, importation of illegal drugs, NAIA, Palauan, shabu, Terminal 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.