Mga kandidato bawal mangampanya ngayong Huwebes Santo, Biyernes Santo
Mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Nagpaalala si Comelec commissioner Luie Guia na dapat ay igalang ng mga kandidato ang dalawang araw na ito ng Semana Santa.
Ani Guia, ang Huwebes Santo at Biyernes Santo ay ikinokonsiderang ‘quiet period’.
Bilang isang Katolikong bansa, sa ilalim ng batas ay bawal umano ang pangangampanya sa naturang mga araw.
Dahil dito, bawal magsagawa ng motorcades o hindi kaya ay magpalabas ng political ads sa radyo at telebisyon ang mga kandidato dahil paglabag ito sa campaign rules.
Posible umanong ikonsiderang vote buying ang pamimigay ng bottled water, pamaypay at t-shirts sa mga pilgrims ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Guia na maraming paraan para itaguyod ang kandidatura pero mas maiging igalang na lamang ng mga pulitiko ang kabanalan ng panahong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.