Mga kandidato hinimok na huwag samantalahin ang pilgrimage sites ngayong Semana Santa

By Rhommel Balasbas April 17, 2019 - 02:27 AM

Nanawagan ang environmental group na EcoWaste Coalition sa mga kandidato na huwag samantalahin ang dagsa ng mga tao sa pilgrimage sites ngayong Semana Santa.

Sa isang pahayag, sinabi ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pangangampanya sa kasagsagan ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Gayunman ay posible umanong may mga kandidato at partidong gumawa ng eksena ngayong mga araw ng panggilin kahit walang pisikal na presensya.

“Campaigning activities are forbidden by law on Maundy Thursday and Good Friday.  However, many candidates and parties may exploit the large throngs of pilgrims visiting religious shrines or performing penitential acts to draw attention to themselves,” ani Lucero.

Posible anyang magkalat ang campaign posters sa mga pilgrimage sites o hindi kaya ay magset-up ng water, first aid at emergency response stations na punong-puno ng pagmumukha at mga pangalan ng mga kandidato.

Hinikayat ni Lucero ang mga pulitiko na huwag haluan ng pulitika ang religious activities ngayong Semana Santa.

Samantala, hinimok din ang mga pilgrims na huwag iwan ang kanilang mga basura sa mga simbahan at pilgrimage sites lalo na sa Antipolo Cathedral at Our Lady of Lourdes Grotto sa San Jose Del Monte, Bulacan.

TAGS: Antipolo Cathedral, Biyernes Santo, campaign posters, Ecowaste coalition, Huwebes Santo, kampanya, kandidato, Our Lady of Lourdes Grotto, pilgrimage sites, Semana Santa, Antipolo Cathedral, Biyernes Santo, campaign posters, Ecowaste coalition, Huwebes Santo, kampanya, kandidato, Our Lady of Lourdes Grotto, pilgrimage sites, Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.