Cell site sa Abra pinasabugan

By Rhommel Balasbas April 17, 2019 - 12:51 AM

File photo

Pinasabugan ng granada ang cell site ng Globe Telecom sa Bangued, Abra araw ng Martes.

Napinsala ang radio/control room ng cell site dahil sa natagpuang mga shrapnel ng pinaniniwalaang granada.

Narinig pa ng guwardyang si Jerald Ortega Belarez ang pagsabog na ilang metro lamang ang layo sa kanyang kinarorooonan habang nagro-roving.

Kaagad na ipinaalam ni Belarez sa Bangued police ang insidente at dito namataan ang limang metallic fragments at isang safety lever na sinasabing bahagi ng fragmentation hand grenade.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpapasabog.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Globe Telecom sa insidente.

Kinumpirma naman ng supervisor ng telcom cell site na hindi nito naapektuhan ang kanilang operasyon.

Ang Abra ay nasa ilalim ng red category o areas of grace concern ng pulisya at Commission on Elections (Comelec) para sa May 13 elections.

TAGS: Abra, areas of grace concern, Bangued, Bangued police, cell site, comelec, fragmentation hand grenade, globe telecom, May 13 elections, metallic fragments, pinasabugan, radio/control room, red category, safety lever, Abra, areas of grace concern, Bangued, Bangued police, cell site, comelec, fragmentation hand grenade, globe telecom, May 13 elections, metallic fragments, pinasabugan, radio/control room, red category, safety lever

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.