France nagpasalamat sa mensahe ng Pilipinas kasunod ng sunog sa Notre Dame

By Len Montaño April 16, 2019 - 11:55 PM

AP Photo

Nagpasamalat ang Embassy of France sa Manila sa mensahe ng Pilipinas kasunod  ng sunog sa bahagi ng kilalang Notre Dame Cathedral sa Paris.

Una rito ay nakiisa ang Malakanyang sa France dahil sa pinsala ng sunog sa nasabing iconic cathedral.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, libo libong mga tao ang nagpakuha ng litrato sa harap ng makasaysayang cathedral.

Ipinarating ng kalihim ang pagkalungkot ng Pilipinas bunsod ng sunog sa Notre Dame.

Sa hiwalay naman na mensahe ni Pope Francis, sinabi nito na nagkakaisa ang lahat sa pagdarasal para sa France at mga mamamayan nito.

Pinangunahan ng Santo Papa ang panalangin para sa pagsasaayos ng cathedral matapos ang sunog.

Samantala nangako si French President Emmanuel Macron na ayusin ang 850 taon ng Notre Dame na isang UNESCO world heritage landmark.

TAGS: cathedral, dasal, Embassy of France, French President Emmanuel Macron, mensahe, nagpasalamat, notre-dame, panalangin, pope francis, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Santo Papa, sunog, UNESCO world heritage landmark, cathedral, dasal, Embassy of France, French President Emmanuel Macron, mensahe, nagpasalamat, notre-dame, panalangin, pope francis, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Santo Papa, sunog, UNESCO world heritage landmark

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.