Isinagawa ang operasyon ng Philippine National Police – Criminral Investigation and Detection Group 9 (PNP-CIDG 9) sa bisa ng search warrant sa bahay ng isang Jainab Ibrahim.
Nakatanggap kasi ng impormasyon ang pulisya ukol sa tinatago umano ni Ibrahim na pampasabog sa kaniyang bahay.
Nakita rito ang dalawang granada, isang bag na may ammonium nitrate, baterya, timer na may wire, dalawang non-electric blasting cap at ilang pako.
Ayon kay Brig. Gen. Luis Licup, director ng Region Office 9, ang mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pamumuno ni ASG commander Hatib Hajan Sawadjaan.
Responsable rin ang mga suspek sa mga dayuhang terorista na pumunta sa Mindanao.
Sa ngayon, hindi pa naman aniya alam ng pulis kung saan gagamitin ng mga rebelde ang mga pampasabog.