Comelec, AFP, PNP nagpulong para sa paghahanda sa May 13 polls
Ni-review ng Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang mga preparasyon para sa nalalapit na 2019 midterm elections.
60 opisyal mula sa Comelec, AFP at PNP ang nagpulong sa Camp Aguinaldo para sa eleksyon.
Ayon kay AFP chief Gen. Benjamin Madrigal Jr., nagkaroon ng security situation briefing update mula sa Comelec at nagprisinta ng pinal na joint implementing plan ng AFP unified commands at PNP directorate for internal police operations.
Umaasa aniya sila na magkakaroon nang maayos na sistema sa buong eleksyon.
Tiniyak naman ng AFP chief na nakakalat pa rin ang mga tropa ng pamahalaan sa iba’t ibang lugar para sa anumang pag-atake ng mga criminal at terrorist group.
Samantala, sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na 75 hanggang 80 porsyento katumbas ng 190,000 ang nakahandang pulis para sa eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.