Tripa de Gallina bridge, isasara mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay
Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsasara ng Tripa de Gallina bridge sa bahagi ng Buendia Avenue sa Pasay City.
Sa press brieding, sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na isasara ang tulay mula Huwebes Santo ng hatinggabi, April 18, hanggang sa hapon ng Linggo ng Pagkabuhay, April 21.
Epektibo ang bridge closure sa mga westbound vehicles o mga sasakyang patungong Taft Avenue.
Ani Garcia, ito ay para simulan ang rehabilitasyon sa naturang tulay.
Samantala, sinabi pa ni Garcia na isasara rin ang Marcos Highway bridge pagkatapos ng Semana Santa.
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.