WATCH: QC mayoralty candidate Bingbong Crisologo, nilinaw ang teknikalidad ukol sa real property tax
Nilinaw ni Quezon City 1st District Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo ang teknikalidad ng usapin sa umiiral na real property tax sa lungsod.
Kinuwestiyon ni Crisologo ang pagkakapasa ng ordinansa ng pamahalaang lungsod ng Quezon City.
Aniya, personal niyang pinag-aralan ang ordinansa at dito niya natuklasang papatawan din ng buwis ang mga bahay na gawa sa light materials.
“Tinignan ko ‘yung ordinance, binasa ko. Ang structure ng ordinaryo (bahay) na made of light materials, i-aassess na raw nila. So in other words, pati doon sa mga depressed areas, mga informal settlers, pati yung bahay nila malalagyan na ng assessment, magbabayad na ng tax,” pahayag ni Crisologo.
Sinabi nito na nagbigay lamang ng suhestiyon at hindi ito ipinag-utos ng Commission on Audit (COA) na itaas ang assess value ng mga bahay sa lungsod.
“I saw the memorandum of COA. They suggested land na itaas ang assess value. Suggest lang. It is not mandatory,’ ayon pa kay Crisologo.
Pinasinungalian pa ni Crisologo ang unang sinabi na hindi tataas sa P200 ang magiging dagdag sa real property tax.
Mayroon aniya siyang hawak na resibo kung saan nakalahad na ang dating nagbabayad ng P30,000 ay nagbabayad na ngayon ng P47,000.
Si Crisologo ay tumatakbong alkalde sa lungsod para sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Narito ang parte ng pahayag ni Crisologo:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.