Erik Matti gustong gawing abot-kaya ang halaga ng panonood ng sine

Radyo inquirer

Ibinida ng magaling na movie director na si Erik Matti ang kanyang bagong obra na may titulong “Kwaresma”.

Sa panayam ng Inquirer, aminado si Matti na pahirapan ngayon ang pakikipag-usap sa mga cinema owners nag awing student price ang presyo ng panonood sa sine.

Sa Biyernes Santo ang showing ng nasabing pelikula pero dahil banal na araw ay hindi lahat ng mga sinehan ay bukas sa nasabing petsa.

Ang “Kwaresma” ang kauna-unahang horror movie na pagbibidahan ni megastar Sharon Cuneta na ayon kay Matti ay isa sa mga aktres na tunay namang may malasakit sa kanyang trabaho at malasakit sa industriya.

Kasama ni Sharon sa nasabing pelikula sina John Arcilla, at Kent Gonzales.

Bilang isang batikang movie director, sinabi ni Matti na metikoloso siya sa pagpili ng mga artistang gumaganap sa kanyang obra.

Mas binibigyan umano niya ng pagpapahalaga ang mga alagad ng sining na mas inuuna ang kapakanan ng proyekto kumpara sa aspeto ng commercialism sa kanilang mga proyekto.

Read more...