Dating aktor na si Jose Mari Gonzales pumanaw na

By Den Macaranas April 16, 2019 - 07:39 PM

File photo

Namatay na sa edad na 80 ang dating matinee idol at San Juan City congressman na si Jose Mari Gonzales.

Sa kanyang Facebook account, kinumpirma ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales ang pagkamatay ng kanyang ama.

Ayon sa mga ulat, namatay pasado alas-sais ng umaga araw ng Martes si Gonzales sa ICU ng Asian Hospital sa Alabang dahil sa pneumonia at sakit sa puso.

Naulila ng dating aktor at mambabatas ang kanyang may-bahay na si Charito ‘Chayong’ Malarky-Gonzalez at limang mga anak.

Magugunitang si Gonzales ay naglingkod rin bilang pangulo ng RPN-9 bago tumakbong kongresista noong 1998.

Ang kanyang mga labi ay nakalagak sa Heritage Park sa Taguig City habang wala pang inilalabas na detalye ang pamilya kaugnay sa kanyang libing.

TAGS: asian hospital, congressman, cristina gonzales, jose mari gonzales, san Juan, asian hospital, congressman, cristina gonzales, jose mari gonzales, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.