Trending celebrities, love teams atbp. sa Twitter sa Q1, nakilala na
Nakilala na ang mga pinakapinag-usapan sa showbiz sa social media site na Twitter mula January hanggang March.
Sa kauna-unahang pagkakataon, pasok sa top five male celebrities ang spoken word poet na si Juan Miguel Severo.
Unti-unti na ring sumabak sa pag-arte at pagkanta si Juan Miguel na isa sa mga dahilan ng pagdami ng kanyang followers.
Nanguna naman sa pinakapinag-usapang male celebrity si Vice Ganda.
Patok sa Tweeps o netizens sa Twitter hindi lang ang mga hugot ng komedyante, kundi maging ang kanyang life advices.
Ilan pa sa mga pasok sa top five male celebrities sa Twitter sa unang quarter ng taon ay sina Donny Pangilinan, Ronnie Alonte at Alden Richards.
Samantala, pinakamainit pa ring female celebrity sa Twitter si Kathryn Bernardo.
Bagaman wala siyang bagong teleserye o pelikula sa 1st quarter ng taon, todo suporta pa rin ang fans sa aktres.
Noong March, ipinagdiwang ni Kathryn ang kanyang kaarawan at nag-trend sa Twitter ang #DauntlessQueenKathrynAt23.
Pinakapinag-usapag love team naman sa Twitter ang MayWard na naungusan ang KathNiel, LizQuen, AlDub at DonKiss.
Sa ibang kategorya, pinakanag-trend sa Twitter ang teleserye na Daddy’s Gurl na pinagibibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza, pelikulang Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang singer na si Darren Espanto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.