Diborsyo nina Angelina Jolie at Brad Pitt kinatigan ng korte
By Jimmy Tamayo April 16, 2019 - 12:55 PM
Kinatigan ng korte ang diborsyo ng Hollywood stars na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.
Taong 2016 nang mag-file ng divorce si Jolie dahil sa irreconcilable differences kay Pitt.
Inakusahan din nito ng child abuse si Pitt.
Ang dalawa ay ikinasal noong 2014 at mayroon silang anim na anak kung saan tatlo sa mga ito ang adopted.
Samantala, matatagalan pa bago ideklarang officially divorced ang dalawa dahil ilang buwan bago ang final divorce settlement at pagsasaayos ng custody sa kanilang mga anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.