DFA, inaalam na kung may Pinoy na nadamay sa sunog sa Notre Dame Cathedral sa Paris

Inaalam na ng Embahada ng Pilipinas sa Paris kung may mga Filipino na nasawi o nasugatan sa sunog sa Notre Dame Cathedral sa Paris.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), minomonitor na ng kanilang hanay ang nangyaring sunog sa iconic cathedral sa Paris.

“The Philippine Embassy in Paris is checking with authorities if there are any victims due to the incident,” ayon sa DFA.

Base sa pakikipag-ugnayan ng DFA sa Paris, nagsimula ang sunog pagkatapos ng visiting hours sa cathedral.

Nag-ugat ang sunog sa ginagawang renovation ng simbahan.

Read more...