Online booking sa mga provincial bus available na ngayon
Sinimulan na ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ang paggamit ng digitize na provincial bus booking.
Sa ngayon, magagamit ang online booking sa pamamagitan ng www.easybus.ph.
Kabilang sa mga biyahe ng easybus ang patungo sa Baguio City, Banaue at Lagawe sa Ifugao, Daet sa Camarines Norte, Naga City at Iriga City sa Camarines Sur, Legazpi at Tabaco Cities sa Albay, at Gubat, Matnog, at Sorsogon City sa Sorsogon.
Maaaring magbayad ang mga pasahero sa online o sa mga payment centers.
Ayon kay Executive Director Doctor Enrico Paringit, malaking tulong ang easybus.ph para lalo pang mapalago ang turismo sa bansa dahil magiging madali na ang pagbiyahe sa mga bus sa iba’t ibang probinsya.
“With Easybus PH, Filipino commuters can enjoy a mountaintop view or a picturesque sea breeze in just a few clicks. We urge the public to avail of these services and tick off your travel bucket lists with ease,” ayon kay Paringit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.