COO ng Manila water, nagbitiw sa pwesto

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagbitiw na sa pwesto si Manila Water Company Incorporated Chief Operating Officer Geodino Carpio.

Gayunman, walang ibinigay na dahilan ang Manila Water sa pagbibitiw ni Carpio na magiging epektibo ngayong araw.

Papalit kay Carpio si Abelardo Basilio bilang acting COO ng Manila Water Operations.

Naging visible sa mata ng publiko si Carpio dahil sa pagpapaliwanag sa naranasang kakapusan ng suplay ng tubig sa Metro Manila kamakailan.

Isang civil engineer at dalawampu’t dalawang taong nanungkulan si Carpio sa Manila Water.

Read more...