Draft agreement sa climate change buo na

 

Inquirer file photo/AFP

Natapos na ng mga negotiators ang draft climate agreement na siyang intensyon ng pagpupulong ng mga world leaders at ng iba pang mga delegado sa Paris, France.

Matatandaang dumaan sa isang mahigpit na linggo ng mabusising proseso ang pagbubuo ng mga diplomats ng 48-pahinang blueprint ng kasunduang naglalayong mabawasan ang mga epekto ng climate change.

Bagaman naisa-pinal na ang nasabing kasunduan, naglalaman pa rin ito ng mga hindi masyadong nagkakasundong mga panukala mula sa iba’t ibang bansa kung paano sila magtutulungan sa pagpigil sa patuloy na pag-init ng mundo gawa ng greenhouse gases.

Marami mang magkakasaliwang mga opinyon na kinailangang resolbahan ng mga environment ministers, naniniwala naman ang mga delegado na naging matagumpay ang paglalatag nila ng pundasyon.

Bukod kasi sa pagtanggap ng kani-kaniyang responsibilidad ng mga bansa, kailangan ding may mahugutan ng pondo para matulungan ang mga developing countries tulad ng Pilipinas, na mas madaling tamaan ng mga matitinding epektong dala ng climate change.

Gagamitin ang pera para sa ‘mitigation’ sa pamamagitan ng pagtuon sa paggamit ng mas maraming renewable resources sa halip na coal, at para rin sa ‘adaptation’ o ang depensa ng mga bansa sa mga kalamidad na dala ng climate change.

Read more...