Patuloy na nababawasan ang water level sa ilang dam sa Luzon.
Base sa update mula sa PAGASA Hydro-meteorological Division, sa nakalipas na 24 na oras, ang nabawasan ang water level sa ilang mga dam sa Luzon.
Ang Angat dam ay nasa 185.72 meters ang water level ngayong umaga ng Martes (April 16), mas mababa kumpara sa 186.35 meters kahapon.
Ang La Mesa dam naman ay hindi nabawasan at nanatili sa 68.48 meters ang water level.
Samantala, nadagdagan naman ang water level sa Ipo at Magat dams.
Habang nabawasan naman ang water level sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.