Suplay ng kuryente sa Luzon grid normal na ayon sa DOE
By Chona Yu April 16, 2019 - 09:05 AM
Normal na ang suplay ng kuryente sa Luzon grid ngayong araw.
Base sa abiso ng Department of Energy (DOE), wala nang mararanasang power interruption ngayong araw.
Ayon sa DOE, magiging normal na ang kondisyon ng Sual Unit 1.
Wala nang aasahang yellow at red alert ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.