Pag-veto ni Pangulong Duterte sa kinukwestyung 95.3 bilyong pisong pondo sa national budget, sinaluduhan ni Sen. Poe

Sinaluduhan ni senador grace poe si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-veto sa kinukwestyung 95.3 bilyong pisong pondo na nakasingit sa 2019 national budget.

Malaki ang pasasalamat ni Poe sa pangulo dahil sa paglagda sa budget.

Pero ayon kay Poe, hindi pa natatapos ang kanyang tungkulin bilang mambabatas dahil patuloy niyang babantayan ang pambansang pondo para masiguro na mapupunta ang huling piso sa kapakanan ng taong bayan.

“magbantay tayo para matiyak na ang huling piso ay sa kapakanan ng taong bayan mapupunta,” ayon kay Poe.

Ayon kay Poe, dapat tiyakin na mapupunta ang pondo sa mga basic services at sa mga programang pinaglalaanan ng pera.

“The budget should ensure that our economy will work for everybody, especially the poor, who most need the basic services. our task does not end here. equally important is to see to it that the money is spent where it was allocated and is felt by the people,” ayon pa kay Poe.

Read more...