P132-B, inilaan ng pamahalaan para sa climate change
Naglaan ang pamahalaan ng P132 bilyon sa 2016 national budget para sa mga proyektong may kinalaman sa climate change.
Ito ay bilang patunay sa pagpupursige ng Pilipinas na gawing mas matibay ang mga komunidad na madaling maapektuhan ng mga natural na kalamidad.
Ayon sa Department of Budget Management (DBM), ang P59.8 bilyon dito ay ilalagak sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga flood-control projects.
Masasakop ng nasabing proyekto ang 18 malalaki at pangunahing mga ilog pati na ang mga watersheds.
Bukod dito, ang iba pang mga proyektong gagawin para sa pagsugpo o pagkontrol ng mga epekto ng climate change ay ang reforestation ng 1.5 milyong ektarya ng lupa sa ilalim ng 6-year National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources na paglalaanan ng P10.2 bilyong budget.
May mga proyekto rin ang Department of Agriculture na magtatayo ng mga kalsada mula sa mga bukirin o taniman patungo sa mga palengke na nagkakahalaga ng P12.9 bilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.