Dentista patay sa pamamaril sa Calbayog City

By Len Montaño April 16, 2019 - 05:04 AM SHARE(S):
Photo by ROBERT DEJON / Inquirer Visayas

Patay sa pamamaril ang isang babaeng dentista sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar Lunes ng hapon.

Ayon sa pulisya, iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay kay Dr. Vicky Romhur, 69 anyos.

Inaalam kung may koneksyon ang pagpatay sa dentista sa hindi pa nareresolbang pagpatay din sa kapatid nitong babae na si Catherine Romhur Johnson.

Pinatay din ang kapatid ng dentista habang bumibili ito ng tinapay sa isang bakery noong nakaraang taon.

Nabatid na minamaneho ni Dr. Romhur ang gray Mitsubishi Strada pickup nito at pauwi na sa kanyang bahay sa Narcisa Hills Subdivision dakong 4:45 ng hapon nang ilang beses itong binaril sa mukha ng hindi pa kilalang suspek.

Umabante pa ang sasakyan hanggang 100 metro bago ito huminto dahil tuluyan nang namatay ang dentista.

TAGS: binaril sa mukha, Calbayog City, dentista, Dr. Vicky Romhur, pagpatay sa kapatid, patay sa pamamaril, Samar, binaril sa mukha, Calbayog City, dentista, Dr. Vicky Romhur, pagpatay sa kapatid, patay sa pamamaril, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.