P100K na halaga ng ari-arian tinangay ng akyat-bahay mula sa isang pamilya sa Maynila

By Rhommel Balasbas April 16, 2019 - 04:33 AM

Higit P100,000 halaga ng mga branded bags, shades, cellphone, relo at inipong barya ang natangay ng akyat-bahay mula sa isang pamilya sa Solis Street, Tondo, Maynila.

Nadatnan na lamang ng pamilya Balatbat na magulo at makalat ang kanilang bahay makaraang magbakasyon sa isang resort sa Laguna.

Ayon kay Michelle, may-ari ng bahay, nakita na lamang nilang hindi na naka-lock ang kanilang pintuan.

Pagpasok sa bahay ay kalat-kalat na ang kanilang mga gamit sa sahig, sala at kwarto.

Nakabukas din umano ang kanilang bintana na posibleng dinaanan ng mga magnanakaw.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Abad Santos Police station sa insidente.

Nagpaalala naman ang mga ito na i-lock ng mabuti ang kanilang mga bahay kung magbabakasyon at bilinan ang mga pinagkakatiwalaang kapit-bahay.

TAGS: 000, Abad Santos Police station, akyat bahay, bag, Bakasyon, barya, branded, cellphone, kalat kalat, laguna, manila, natangay, P100, pamilya Balatbat, Tondo, 000, Abad Santos Police station, akyat bahay, bag, Bakasyon, barya, branded, cellphone, kalat kalat, laguna, manila, natangay, P100, pamilya Balatbat, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.