Catriona Gray, handang mag-audition sa Darna role

By Len Montaño April 16, 2019 - 04:11 AM

Credit: Dennis M. Cuadra IG

Handa si 2018 Miss Universe Catriona Gray na mag-audition para sa papel na Darna.

Ayon kay Catriona, ang pag-arte ang isang field na hindi pa niya nasubukan kaya bukas siyang matutunan ito.

Kung magkaroon anya ng pagkakataon na mag-audition siya sa Darna role ay bukas siyang gawin ito.

Samantala, sa mga Instagram posts ng graphic artist na si Dennis M. Cuadra ay makikita ang mga larawan ni Catriona bilang Darna.

Credit: Dennis M. Cuadra IG

Makikita sa mga litrato na naka-costume at naka-pose si Catriona bilang Darna.

Isa lamang ang Pinay beauty queen sa mga lumutang na posibleng pumalit kay Liza Soberano na umatras sa role dahil sa injury sa kayang daliri.

Matatandaan na Mayo ng taong 2017 nang tanggapin ni Liza ang Darna role kapalit ni Angel Locsin na kalusugan din ang dahilan kaya hindi na itinuloy ang superhero movie.

TAGS: 2018 Miss Universe, Angel Locsin, audition, Catriona Gray, daliri, Darna, Dennis M. Cuadra, injury, Liza Soberano, pag-arte, role, superhero, 2018 Miss Universe, Angel Locsin, audition, Catriona Gray, daliri, Darna, Dennis M. Cuadra, injury, Liza Soberano, pag-arte, role, superhero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.