Mas mahigpit na seguridad ipatutupad sa Manila Cathedral

By Rhommel Balasbas April 16, 2019 - 03:39 AM

Hihigpitan ang seguridad sa Manila Cathedral kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga deboto ngayong Semana Santa.

Ayon kay Manila Cathedral rector, Fr. Reggie Malicdem, nag-abiso zng Philippine National Police (PNP) na dapat mas higpitan ang seguridad sa malalaking simbahan matapos ang pagbomba sa Jolo Cathedral noong January 27.

Sa mga nakalipas na taon, hindi naging masyadong istrikto ang Manila Cathedral sa pagpapatupad ng security measures.

Ayon kay Fr. Malicdem, ngayong Semana Santa ay may nakatalagang police officers sa mga pintuan ng katedral para sa isasagawang inspeksyon ng bags.

Mayroon ding ipakakalat na K-9 dogs bukod pa sa security personnel ng simbahan.

Umapela ang rektor sa publiko na magdala lang ng maliliit na bags.

Magiging mahigpit din anya ang crowd control ngayong taon kung saan patutulungin ang PNP upang makontrol ang dami ng tao.

Samantala, inihayag ni Malicdem na 12 kabataan ang nakatakdang mahugasan ang paa sa Misa ng Huling Hapunan sa Huwebes Santo bilang bahagi ng pagdiriwang ng local church ng ‘Year of the Youth’.

Si Manila Archbishop ni Luis Antonio Cardinal Tagle ang maghuhugas sa paa ng 12 kabataan.

Ang ‘washing of the feet’ ay tradisyonal na ginagawa tuwing Huwebes Santo na nagpapakita ng pagmamahal at kababaang loob ni Hesukristo na ipinasa niya sa kanyang mga apostol.

TAGS: 12 kabataan, deboto, Fr. Reggie Malicdem, Huling Hapunan, Huwebes Santo, Jolo Cathedral, K-9 dogs, Luis Antonio Cardinal Tagle, mahigpit na seguridad, manila cathedral, PNP, security measures, Semana Santa, Washing of the Feet, Year of the Youth, 12 kabataan, deboto, Fr. Reggie Malicdem, Huling Hapunan, Huwebes Santo, Jolo Cathedral, K-9 dogs, Luis Antonio Cardinal Tagle, mahigpit na seguridad, manila cathedral, PNP, security measures, Semana Santa, Washing of the Feet, Year of the Youth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.