Pagsikip ng trapiko sa NLEX, SCTEX at SLEX magsisimula sa Miyerkules
Naging maluwag pa ang trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX) at South Luzon Expressway (SLEX), kahapon, araw ng Lunes, (April 15).
Ayon kay NLEX/SCTEX traffic senior manager Robin Ignacio, mabilis pa ang daloy ng trapiko sa mga expressways.
Inaasahan kasing hapon pa bukas, araw Miyerkules magsisimula ang dagsa ng mga motorista habang sa umaga pa ng Huwebes Santo inaasahang magiging napakabigat ng daloy ng trapiko
Noong Biyernes ay nagdagdag na ng toll tellers at patrol crews ang management ng NLEX at SCTEX dahil sa inaasahang Holy Week exodus.
Sa regular na araw, limang toll points lamang ang binubuksan, pero dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista sinabi ni Ignacio na handa silang magbukas ng 29 toll lanes.
Sa April 17, Miyerkules alas-6:00 ng umaga hanggang April 22, alas-6:00 din ng umaga, mayroong libreng towing services para sa mga light vehicles.
Muling nanawagan ang pamunuan ng NLEX/SCTEX sa mga motorista na ikondisyon ang kanilang mga sasakyan pati na ang sarili sa pagbiyahe ngayong Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.