Comelec: Unang mga araw ng overseas voting naging maayos
Naging maayos sa pangkalahatan ang unang mga araw ng pag-arangkada ng overseas absentee voting ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Noong April 13 nagsimula ang overseas absentee voting at magtatapos sa May 13.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, walang naging malaking problema na naranasan nang magsimula ang botohan.
Sa mga lugar naman anya na may maliliit na problema ay naresolba naman agad ayon kay Jimenez.
Inihalimbawa ng poll official ang naging problema sa identification process sa Al Khobar, Saudi Arabia.
Anya, na-delay sa Customs ang hard copy ng Election Day Computerized Voters Lists na gagamitin dapat sa Al Khobar.
Dahil dito, nagpadala na lamang ang Comelec ng downloadable files na nagamit para sa beripikasyon ng mga botante.
Samantala, sinabi naman ni Jimenez na naghahanap na ang Comelec ng paraan na makaboto ang overseas voters sa mga lugar na sinuspinde ang botohan.
Suspendido ang overseas voting sa Tripoli, Libya; Damascus, Syria at Baghdad, Iraq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.