Antipolo magpapatupad ng traffic rerouting para sa Alay Lakad

By Rhommel Balasbas April 16, 2019 - 01:54 AM

Kuha ni Rhommel Balasbas

Ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang traffic rerouting sa Huwebes Santo at Biyernes Santo para sa taunang tradisyon tuwing Semana Santa na ‘Alay Lakad’.

Libu-libong mga deboto ang inaasahang aakyat sa Antipolo para sa naturang aktibidad.

Ilang mga kalsada sa Poblacion ay isasara sa mga motorista mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga sa Huwebes at Biyernes para sa Alay Lakad.

Ang mga sasakyan na magmumula sa Licos Park at patungong Marcos Highway ay kailangang dumaan sa Circumferential Road, kumanan sa Sumulong Highway, kumanan muli sa Olalia Road. Ang kabaliktaran ay ang alternatibong ruta para sa mga motorista na magmumula sa Marcos Highway.

Samantala, ang maliliit na sasakyang papuntang Maynila ay maaaring dumaan sa M.L. Quezon Extension papuntang Angono sa pamamagitan ng Mahabang Parang at Sitio Labahan.

Ang mga motorista naman mula sa Maynila na papuntang Antipolo, Teresa at Tanay ay maaaring dumaan sa Cabrera at Marigman Road sa pamamagitan ng Cainta at Taytay Rizal.

Ang bahagi ng Ortigas Avenue Extension mula sa Tikling ay isasara rin sa trapiko hanggang sa hindi inaalis ng local police.

Suspendido ang ruta ng mga jeep at UV express units mula Licos Park hanggang Pinagmisahan Street at Taktak Road sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Sa Biyernes Santo, papayagan ang mga pribadong sasakyan na makadaan sa Taktak Road.

Magtatalaga ng pampublikong bus units sa mga matataong lokasyon sa Antipolo upang makatulong sa transportasyon ng mga debotong sasama sa Alay Lakad.

Samantala, bumuo ang lokal na pamahalaan ng Antipolo ng incident management team para tiyakin ang seguridad ng mga deboto at mabigyan sila ng kinakailangang tulong medikal.

TAGS: Alay Lakad, Antipolo, Biyernes Santo, deboto, Huwebes Santo, incident management team, Semana Santa, traffic rerouting, Alay Lakad, Antipolo, Biyernes Santo, deboto, Huwebes Santo, incident management team, Semana Santa, traffic rerouting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.