Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Leyte alas-12:48 madaling araw ng Martes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 24 kilometro Hilagang-Silangan ng Abuyog.
May lalim ang pagyanig na 134 kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ang instrumental intensity I sa Borongan City, Eastern Samar.
Wala namang pinsala sa ari-arian ang lindol at hindi rin inaasahan ang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.