Higit pisong taas-presyo sa petrolyo epektibo na ngayong araw

By Rhommel Balasbas April 16, 2019 - 12:32 AM

Sasalubong sa mga motoristang pauwi sa mga lalawigan ngayong Semana Santa ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, P1.05 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina habang P0.60 kada litro sa diesel.

Ang Shell, Caltex, Petron, Seaoil at Flying V ay may dagdag ding P0.60 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Simula alas-12:01 ng hatinggabi ay epektibo na ang oil price hike ng Caltex na susundan ng lahat ng kumpanya ng langis mamayang alas-6:00 ng umaga.

Ang panibagong taas-presyo ay dahil sa pagmahal ng krudo sa world market.

Batay sa net price movements mula January 1 kasama ang taas-presyo ngayong araw, umabot na sa P10.19 kada litro ang itinaas ng presyo ng gasolina, P7.64 sa kada litro ng diesel at P5.17 sa kada litro ng gaas.

TAGS: dagdag presyo, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, kerosene, krudo, motorista, oil price hike, petrolyo, Semana Santa, taas presyo, world market, dagdag presyo, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, kerosene, krudo, motorista, oil price hike, petrolyo, Semana Santa, taas presyo, world market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.