Gwardya inaming pinatay ang dalagita sa Danao City pero anggulong love triangle itinanggi

By Len Montaño April 16, 2019 - 12:24 AM

Credit: Tonee Despojo, CDND

Selos ang umanoy nagtulak sa isang 35 anyos na gwardya para patayin ang isang 14 anyos na babae na ang katawan ay natagpuan sa septic tank ng isang eskwelahan sa Danao City.

Ayon kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, Central Visayas regional police chief, nagselos si Jessie Mediquillo nang malaman nito na may boyfriend si Tesa Marie Ygay.

Isa anyang crime of passion ang pagpatay ng gwardya sa dalagita.

Inamin ni Mediquillo ang krimen pero itinanggi nito na may gusto siya sa biktima.

Ayon sa suspek, sinaksak niya si Ygay at itinapon ang bangkay nito sa septic tank dahil galit siya sa ama ng dalagita at siya ang sinisisi sa paglabas sa gabi ng anak.

Pero nakunsensya umano si Mediquillo kaya ito sumuko.

Gayunman ay pinabulaanan nito na mayroon siyang gusto kay Ygay na itinuturing na umano nitong parang pamangkin.

Matatandaan na nadiskubre ang bangkay ni Ygay sa septic tank sa Cogon Cruz Integrated School sa Danao City dahil umalingasaw na ang masangsang na amoy.

TAGS: Cogon Cruz Integrated School, crime of passion, dalagita, Danao City, gwardya, Jessie Mediquillo, love triangle, pinatay, selos, septic tank, Tesa Marie Ygay, Cogon Cruz Integrated School, crime of passion, dalagita, Danao City, gwardya, Jessie Mediquillo, love triangle, pinatay, selos, septic tank, Tesa Marie Ygay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.